mahirap magsulat ng thesis... o marahil mas tumpak na sabihin: madaling magsulat pero mahirap magsulat ng isang maayos at matinong thesis. madali kasing magbitaw ng maraming mga salita, magpakita ng iyong kaalaman, magyabang at "maghulog" ng mga pangalan ng mga tanyag na pantas. ngunit di biro and isaayos ang mga salita, ihilera ang mga ideya, ipakita ang kanilang mga ugnayan, lumikha ng mga pangungusap na naglalaman ng tamang bilang ng mga nararapat na mga kataga, palabasin ang iyong punto, kumbinsihin ang mambabasa, at manatiling tapat sa katotohanan.
mahirap magsulat. mahirap ding tapusin ang nasimulan nang isulat.
0 comments:
Post a Comment